Paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Puerto Princesa: Isang Pagtitipon ng Pagkakaisa at Pagkamakabayan
Puerto Princesa City — Sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron, ginunita ng Lungsod ng Puerto Princesa ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 2025, sa isang makabuluhang programa na isinagawa sa Liwasang Rizal. Ang seremonya ay isang pagpupugay sa diwa ng kalayaan at sa mga sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nag-alay ng buhay para sa kasarinlan ng bansa.
Authored By:
Contributors to the creation of this article.
Marie Chris C. Palma
Author
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang banal na misa bilang pasasalamat sa kalayaang tinatamasa ng bansa. Sinundan ito ng mga military honors na isinagawa ng mga uniformed personnel bilang tanda ng mataas na paggalang sa mga bayani ng kasaysayan. Tampok sa programa ang isang wreath-laying ceremony sa harap ng bantayog ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani, na siyang simbolo ng katalinuhan, tapang, at pagmamahal sa bayan.
Pinangunahan ni Mayor Bayron ang mga aktibidad sa programa at binigyang-diin sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng mamamayan sa patuloy na pagtataguyod ng kalayaan at demokrasya sa bansa.
Isa sa mga aktibong lumahok sa pagdiriwang ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Palawan, na muling ipinakita ang kanilang suporta sa mga gawaing makabayan at adbokasiya para sa makakalikasang pamumuhay.
Ang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Liwasang Rizal ay nagsilbing paalala na ang kalayaan ay buhay na pamana na kailangang pangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at paninindigan para sa bayan.