MALIGAYANG ARAW NG KASARINLAN, PILIPINAS!
Ika-126 na taong anibersaryo ng Kalayaan, ipinagdiwang ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ngayong araw ng Miyerkules, ika-12 ng Hunyo na ginanap sa Liwasang Rizal, Barangay Liwanag.
Authored By:
Contributors to the creation of this article.
Sa pangunguna ng punong lungsod ng Puerto Princesa Mayor Lucilo R. Bayron, BGen. Amado Dela Paz ng Philippine Air Force bilang kinatawan ni WESCOM Commander RADM Alfonso F. Torres JR NR, at Puerto Princesa City Police Office Police Colonel Ronie S. Bacuel, ginunita ng lungsod ng Puerto Princesa ang pagdiriwang ng ika-126 taon ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang, “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno kabilang ang mga sangay ng Armed Forces of the Philippines, BJMP, BFP, PNP, ang DENR-PENRO Palawan, DENR-CENRO Puerto Princesa, DepEd, Boy Scouts at Girls Scouts, at mga estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan ng lungsod.
Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala at pagbibigay pugay sa ating mga bayani na siyang nakipaglaban sa mga mananakop upang makamtam ang hinahangad na kalayaan ng ating bansa.